Monday, August 1, 2011



  Kaysayang maglakbay kung kasama ang mga kaibigan at kamag-aral ngunit ito ay mas sasaya kung kaakibat ng walang humpay na paglalakbay ay mga bagong karunungan na makukuha at malalaman sa bawat lugar na mapupuntahan. :) Halina't makisama at matuto sa aming ginawang Lakbay aral sa iba't-ibang lugar na kung saan matatagpuan ang iba't ibang yaman ng ating bansang Pilipinas.
DESTINASYON

MANLALAKBAY-ARAL


UNANG DESTINASYON:AYALA MUSEUM


          Matatagpuan ang Ayala Museum sa Makati City. Makikita dito ang iba't ibang yaman pati na din ang mga history ng Pilipinas. Itinuturing ang Ayala Museum na pinaka pribadong institusyon ng Philippine art and Culture.

PASUKIN NATIN ANG AYALA MUSEUM! =)

  











Maraming matutunan at makikita sa Ayala Museum na talagang makakatulong sa katulad kong estudyante na nag-aaral patungkol sa history ng Pilipinas. Makikita sa Ayala ang 60 na gawang kamay na mga dayorama. Ang mga Dayorama na ito ay patungkol sa mga kaganapan sa Pilipinas noong unang panahon. Ang mga halimbawa nito ay Palawan Tabon Cave, Trade with the Chinese, Revolution against Spain, First Mass in the Philippines at marami pang iba. Meron ding mga gawang kamay na iba’t ibang uri ng barko na nakapunta dito sa bansang Pilipinas,ang mga barko na ito ay ginamit sa transportasyon at nakatulong din sa Maritime trade at colonial economy ng ating bansa. Mayroon ding 500 na iba’t ibang ceramics na nagmula sa China at SoutEast Asia, ang mga cermics na ito ay nagpapatunay na totoong may naganap na trade sa pagitan ng China at Pilipinas. Mayroon ding iba’t-ibang paintings na ipininta nina Fernando Zobel, Fernando Amorsolo  at Juan Luna. Ang pinakanagustuhan at namangha ako sa Ayala Museum ay ang Gold of Ancestors dahil nagpapatunay ito na mayaman noon sa ginto ang bansang Pilipinas.

IKALAWANG DESTINASYON: PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS


Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila.

USISAIN ANG PAMBANG MUSEO NG PILIPINAS :)











Para sa akin, mas nasiyahan akong maglakbay-aral sa National Museum dahil sa bukod sa hindi sila istrikto pagdating sa seguridad. Mas madami akong nakitang iba‘t – ibang uri ng yaman ng ating bansa na tunay ngang dapat ipagmaaki, Nakita ko din ang ibat ibang kagamitan pati na din kasuotan at tirahan na ginagamit ng ating mga ninuno. Nagpapatunay lamang ito na simple lamang talaga ang buhay noon kumpara ngayon. Nakakamangha din ang mga Archeological Collection ng National Museum dahil nakita ko ang mga uri ng kagamitan na ginamit ng mga pre-historic man. Makikita din sa National Museum ang mga Hayop na dito lamang sa Pilipinas makikita, dahil dito napaisip ako na kailangan talaga nating alagaan ang mga hayop lalo na ang mga endangered animals dahil sila ay maituturing na kayamanan ng ating bansa. Mayroon ding mga iba’t-ibang klase ng bato,fossil at minerals na nagmula sa ibat ibang lugar dito sa ating bansa. Makikita din sa National Museum ang mga collection ng mga plants sa Pilipinas, sinasabing merong 180,000 na klase ng halaman na matatagpuan sa Pilipinas (Wow!). Ang buong experience ko  sa National Museum ay masasabi ko talagang napakasaya dahil mas na-appreciate ko  ang bansang Pilipinas at napatunayan ko talaga na dapat ipagmalaki ang ating bansa. :)



IKATLONGDESTINASYON:INTRAMUROS

      Ang Intramuros, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig, ay ipinatayo ng mga Hispano noong ika-16 na siglo at ang pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ang pangalan na Intramuros ay nangangahulugang "nagsasanggalang na pader", na tumutukoy sa kuta o lungsod na napapalibutan ng pader. Noong kapanahunan ng mga Hispano, ang Intramuros ay ang mismong Maynila.

 MAGLAKBAY SA INTRAMUROS! :)

 

Kahit pagod ang aming nararamdaman ng kami ay pumunta sa Intramuros , hindi pa din papaawat ang IT/CS na maglakbay-aral. Pumunta kami sa ibat-ibang lugar sa Intramuros katulad na lang ng San Agustin Church, Manila Cathedral at Fort Santiiago. Sa pagpunta namin sa Intramuros, pakiwari ko, ako ay nasa unang panahon dahil sa mga establisyemento na nakatayo sa lugar sa Intramuros. Kahit mismong mga guwardiya ay nakasuot ng pang gwardya sibil na kasuotan at meron ding mga karatula na makaluma at umaakma sa ambiance ng lugar. Nakarating na ako dito sa Intramuros noong ako ay Elementary at HighSchool ngunit ngayon lang ako nakaramdam ng gantong feeling na kakaiba. Di ko alam kung pagod at antok lang ako pero pakiramdam ko talaga, wala ako sa Pilipinas, na ako ay isang dayuhan na gustong makita ang kagandahan ng Intramuros. :)
Dahil dito sa Paglalakbay-aral na ito, mas lalo ko pang minahal ang bansang Pilipinas at marapat lamang na ipagmalaki natin ito.. Maraming Salamat sa pagsama sa ginawa naming Lakbay Aral! =) 

1 comment: